Nakabalik na sa Pilipinas ang karagdagang batch ng mga Distressed OFWs na galing sa Bahay Kalinga sa Kuwait.
Ito ay bilang bahagi ng repatriation program ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at ng Embahada ng Pilipinas
Paglapag ng eroplano sa NAIA Terminal 1, sinalubong sila ng mga tauhan ng OWWA.
Ito ay para alalayan ang mga umuwing OFW sa pagproseso ng kanilang dokumento.
Nagbigay din ang ahensya ng food, transportation, at financial assistance.
Pansamantalang titira sa OWWA Halfway Homes ang mga OFW na walang sundo at malalayo ang uuwian.
Ang Bahay Kalinga ay nagsisilbing temporary shelter ng mga OFW. | ulat ni Don King Zarate
: OWWA