Ilang mga bayan ng Pangasinan, nagsuspinde na ng klase dahil sa patuloy na nararanasang masamang panahon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Anim na bayan at isang lungsod na sa Pangasinan ang naglabas anunsyo ukol sa suspensiyon ng klase para sa araw ng Lunes, ika-04 Setyembre 2023.

Kanselado ang klase sa lahat ng antas mula sa pampubliko at pribadong paaralan sa mga bayan ng Binmaley, Infanta, Sta. Barbara, Calasiao, Lingayen, Mangatarem at Dagupan City.

Ang nasabing anunsyo ay inilabas sa mga Facebook Page ng mga nasabing bayan.

Dagdag rito, ang inilabas na suspensiyon ay dahil parin sa patuloy na nararanasang masamang panahon at pag-ulan sa lalawigan dulot ng bagyong #HannahPH at Hanging habagat.

Patuloy naman ang pagpapaalalang inilalabas ng mga awtoridad na maging mapagmatyag at aktibo sa ano mang maaaring idulot ng patuloy na pag-ulan.| ulat ni Ricky Casipit| RP1 Dagupan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us