Magkatuwang na inilunsad ng National Housing Authority (NHA) at Department of Agriculture (DA) ang unang KADIWA pop-up store sa Eastshine Residences,sa Brgy. Plaza Aldea, Tanay, Rizal.
Sinabi ni NHA General Manager Joeben Tai, na ang NHA ay kaisa na ng DA sa pagsasakatuparan ng kanilang misyon na magbigay sa low-income families ng access sa abot-kaya at de-kalidad na mga produkto.
Maari nang samantalahin ng mga benepisyaryo ng NHA ang mga sariwang gulay, prutas, at mga produktong karne sa mas murang presyo.
Ang susunod na KADIWA pop-up stores ay ilulunsad sa Setyembre 10 sa St. Therese Housing Project, Brgy. Dalig, Teresa, Rizal, at sa Setyembre 16 naman ay sa Katuparan Village, Norzagaray, Bulacan.
Gagana ang KADIWA pop-up store tuwing Linggo mula 6:00 ng umaga hanggang tanghali.
Samantala, malapit na ring ilunsad ang KADIWA Stores sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.| ulat ni Rey Ferrer