Mga retailer ng bigas sa Agora Market sa San Juan, sumusunod sa itinakdang price ceiling — Mayor Francis Zamora

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kuntento si Metro Manila Council President at San Juan City Mayor Francis Zamora sa presyuhan ng bigas sa Agora Market sa lungsod.

Ginawa ni Zamora ang pahayag makaraang mag-ikot siya sa naturang pamilihan kasama sina Agriculture Senior Usec. Domingo Panganiban, MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes gayundin ang mga kinatawan ng DTI at DILG ngayong araw.

Ayon kay Zamora, nagpapasalamat sila sa mga rice retailer sa kanilang pagsunod sa kautusan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na nagtatakda ng price cap sa bigas.

Makakaasa naman aniya ang mga ito ng ibayong tulong mula sa pamahalaan upang mapunan naman ang kanilang pagkalugi lalo’t kung nabili nila ang mga regular at well-milled rice sa mas mataas na halaga.

Ang importante aniya, nagkakaisa ang lahat sa layunin ng pamahalaan na mapababa ang presyo ng bigas at masawata ang kartel, smuggling, maging ang hoarding ng bigas.

Nagpaalala naman si Zamora sa mga magtatangka na sumalungat sa kautusan ng Pangulo hinggil sa price cap sa bigas na mahaharap sa multa at pagbawi ng permit salig sa umiiral na ordinansa. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us