Barangay Chair sa Taal, Batangas, patay sa pamamaril

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patay matapos pagbabarilin ng dalawang hindi kilalang suspek ang chairperson ng Barangay Poblacion Zone 10 sa Taal, Batangas.

Sa ulat ng Taal Municipal Police Station (MPS) na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang biktima na si Erasmo Divino Hernandez.

Base sa inisyal na imbestigasyon, nangyari ang insidente kaninang 7:20 ng umaga habang nakaupo ang biktima sa harapan ng barangay hall nang biglang pagbabarilin ng dalawang suspek gamit ang kalibre .45.

Naisugod pa ang biktima sa Lemery Doctors Hospital kung saan idineklara itong ‘dead on arrival’.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon sa insidente para matukoy at mahuli ang mga suspek na tumakas sakay ng motor patungo sa direksyon ng Sta. Teresita Batangas. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us