Kinumpirma ni PNP Public Information Office (PIO) Chief Police Col. Jean Fajardo na 8 pulis na nagpositibo sa confirmatory drug test sa taong ito ang sinibak na sa serbisyo.
Sa pulong balitaan sa Camp Crame, sinabi ni Fajardo na dahil naalis sa serbisyo, hindi na makatatanggap ng benepisyo ang 8 mga pulis.
Kasalukuyan aniyang nahaharap sa mga kaso ang iba pang nagpositibo sa confirmatory drug test, habang nag-resign naman ang isa.
Ayon kay Fajardo, base sa updated record ng PNP Forensic group mula Enero 1 hanggang Agosto 31 ng taong ito, 25 pulis ang nagpositibo sa isinagawa nilang confirmatory drug test.
Kasama dito ang dating hepe ng Mandaluyong na sinibak sa pwesto na si Police Col. Cesar Gerente.
Ito ay mula sa halos 116,000 tauhan ng PNP na naisalang sa random drug testing sa taong ito. | ulat ni Leo Sarne