Pormal nang nabasahan ng sakdal sa Pasay City Regional Trial Court Branch 111 ang 5 sa 28 dayuhan na itinuturong sangkot sa iligal na operasyon ng isang POGO hub sa Pasay City.
Kaugnay ito sa ipinagharap na kasong paglabag sa Section 20.1 ng Republic Act o RA 8799 o ang Security Regulations Code bukod pa sa mga kasong cybercrime na kanilang kinahaharap sa Department of Justice.
Ayon kay Atty. Gloria Pilos – Quintos, abogado ng mga respondent sa kaso, naghain ng ‘not guilty plea’ ang 5 Chinese nationals na akusado sa pamamagitan ng video conference.
Una nang nabasahan ng sakdal sa kaparehong kaso ang 23 iba pang Chinese national habang may isa ang nawawala.
Dahil dito, tutulak na sa initial trial ang kaso na itinakda ng Korte sa Setyembre 27. | ulat ni Jaymark Dagala