OVP, nagbigay ng tulong sa mga mag-aaral at guro sa Las Navas, Northern Samar

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binisita ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang Las Navas National High School at San Jorge Elementary School sa Las Navas, Northern Samar.

Ito ay upang magbigay ng tulong sa mga mag-aaral at mga guro ng nasabing mga paaralan.

Kaugnay nito ay namahagi ang Office of the Vice President ng school bags na may lamang school supplies at dental kits sa mga mag-aaral ng Grade 1 at Grade 7.

Bukod dito ay namigay din ng laptops ang OVP para sa mga guro ng nasabing mga paaralan. Ito ay sa ilalim ng PagbaBAGo: A Million Lerners and Trees Campaign ng OVP.

Ayon kay VP Sara, kinausap niya rin ang mga prinsipal at mga guro ng nasabing mga paaralan upang malaman ang kanilang mga iba pang pangangailangan.

Pinasalamatan din ng Pangalawang Pangulo ang mga ito sa kanilang paglilingkod sa bayan.

Kasabay nito ang paghikayat ni VP Sara sa mga estudyante na mag-aral ng mabuti at magtapos ng kanilang pag-aaral. | ulat ni Diane Lear

đź“·: OVP

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us