Magnitude 4.7 na lindol, tumama sa Masinloc, Zambales; pagyanig, ramdam sa ilang bahagi ng Metro Manila

Facebook
Twitter
LinkedIn

Niyanig ng magnitude 4.7 na lindol ang bahagi ng Masinloc sa Zambales ngayong tanghali.

Ayon sa PHIVOLCS, tumama ang lindol ganap na alas-12:21 ng tanghali at tectonic ang origin nito.

Natunton ang epicenter nito sa layong 14km hilagang silangan ng Masinloc, Zambales at may lalim na 22km.

Naramdaman ang Intensity III sa Quezon City habang Intensity II naman sa Baguio City.

Bukod dito, naitala rin ang Instrumental Intensities:

Intensity III – Infanta, Pangasinan; Lucena City, Quezon; Santa Ignacia, Tarlac; Iba, Cabangan, Zambales

Intensity II – Orani, Bataan; Santol, La Union; Bamban, Tarlac City, Tarlac; Olongapo City, Zambales

Intensity I – Dinalupihan, Abucay, Bataan; Obando, Malolos City, Plaridel, Calumpit, San Ildefonso, Bulacan; ; Roxas City, Capiz; Tagaytay City, Cavite; Vigan

City, Ilocos Sur; Pasay, Marikina City, Metro Manila; San Jose, Gapan City, Nueva Ecija; Guagua, Magalang, Pampanga; Urdaneta, Bolinao, Pangasinan;

Ramos, Tarlac; Subic, Zambales

Wala namang inaasahang aftershocks kasunod ng lindol ngunit posible ang mga pinsala dahil sa pagyanig. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us