Simbahan at Camalig at Daraga LGU, sanib-pwersa para sa nominasyon ng Bulkang Mayon sa UNESCO World Heritage

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naglagda ng isang Joint Executive Order ang lokal na pamahalaan ng Camalig at Daraga, at ang Legazpi Diocese para isulong ang nominasyon ng Bulkang Mayon, kasama ang St. John the Baptist Parish ng Camalig at Our Lady of the Gate Parish, Cagsawa Ruins, at Budiao Ruins ng Daraga Albay para sa UNESCO World Heritage.

Naging masusi ang pagpupulong dahil inaasahan na hindi magiging madali ang proseso ng nasabing adhikain.

Ipinaliwanag ni Albay Provincial Tourism Officer, Ms. Dorothy F. Colle ang magiging proseso para sa nominasyon kung saan aabutin ng tatlong taon. Inaasahan sa 2025 ang pinal na pagpasa ng aplikasyon.

Tinalakay rin ng isang batikang mananalaysay sa buong mundo na si Dr. Danilo Gerona ang kasaysayan ng Camalig at Daraga at pagkakaugnay nito sa Cagsawa at Budiao Ruins.

Pinagtibay ng nasabing EO ang paglikha at komposisyon ng Camalig-Daraga Technical Working Group (TWG) kasama ang Diocesan Commission on Temporalities (DCT), upang magsilbi bilang nangungunang pangkat na responsable para sa koordinasyon at pangangasiwa sa lahat ng pagsisikap na may kaugnayan sa aplikasyon ng Bulkang Mayon at ilang heritage sites sa UNESCO.

Sa mensahe ni Daraga Mayor Hon. Carlwyn Baldo, makatutulong ang nasabing nominasyon sa pagpapaunlad ng turismo sa lugar. Gayundin sa mensahe ni Camalig Mayor Hon. Carlos Irwin Baldo Jr., kung saan magbubukas ito ng opportunidad at mga trabaho kung sakaling maipasa ang aplikasyon.

Binigyang diin naman ni Most Rev. Joel Z. Baylon, D.D, Bishop of Legazpi ang importansya ng pagkilala sa mga simbahan bilang integral na bahagi ng kasaysayan ng Bulkan.

Ang pagnanais ng Albay para sa pagkilala ng UNESCO ay binubuo ng mga pagsisikap ng Pamahalaang Panlalawigan ng Albay, LGU ng Camalig at Daraga, at ng Diyosesis ng Legazpi na kilalanin ang Bulkang Mayon at ang mga integral na bahagi nito sa pandaigdigang halaga, kabilang ang kanilang natural, relihiyoso, at histo-kultural na kahalagahan sa ang mga Albayano at ang natitirang bahagi ng Rehiyon ng Bicol sa loob ng 500 taon.| ulat ni Garry Carillo| RP1 Albay

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us