DOTr Sec. Bautista, pinangunahan ang groundbreaking para sa expansion ng bicycle lane sa Batangas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinangunahan ni Department of Transportation o DOTr Sec. Jaime Bautista ang groundbreaking ceremony para sa expansion ng active transport infrastructure sa Lipa City sa Batangas ngayong araw

May habang 76.70 kilometro, babagtasin ng Class 2 at Class 3 na bicycle lanes ang Lungsod ng Lipa, Batangas City, Antiplo City, Cainta at San Mateo sa Rizal.

Ayon kay Bautista, ang pagpapalawak ng active transport infrastructure tulad ng bike lane ay bahagi ng pagtataguyod ng DOTr para sa malusog na pagbiyahe ng mga Pilipino.

Kaagapay ng DOTr ang Department of Public Works and Highways o DPWH at mga lokal na pamahalaan, kumpiyansa si Bautista na magsisilbi itong panibagong yugto para sa aktibong transportasyon sa rehiyon ng CALABARZON.

Tiwala rin ang Kalihim na mapalalawak pa nila ang naturang proyekto sa buong bansa bago sumapit ang taong 2028. | ulat ni Jaymark Dagala

📸: Screengrab from DOTr FB Live

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us