Lalaking nagpaputok ng baril sa Lanao del Sur sa kasagsagan ng paghahain ng kandidatura para sa BSKE, kinasuhan na

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinumpirma ngayon ng Philippine National Police (PNP) na sumuko na ang dalawang lalaking tampok sa viral video na walang habas na nagpaputok ng baril sa Malabang, Lanao del Sur.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief, Police Colonel Jean Fajardo, nasa kustodiya na ng Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR) ang dalawang sumukong suspek na hindi na muna pinangalanan

Kasunod nito, sinabi ni Fajardo, na sinampahan na ng pulisya ng kasong paglabag sa Republic Act 10591 o ang Illegal Possession of Firearms and Ammunitions ang mga sumukong suspek.

Gayundin ng paglabag sa Omnibus Election Code, kasunod ng umiiral na gun ban at ang indiscriminate firing dahil sa walang habas na pagpapaputok nito sa kasagsagan ng filing ng certificate of candidacy.

Kasamang isinuko ng mga ito ang kanilang mga armas at bala, na ginamit sa nag-viral na video. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us