AFP Modernization Program, pinarerepaso ni DND Sec. Teodoro

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinaparepaso ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro ang Armed Forces of the Philippines (AFP) Modernization Program para maging mas angkop sa paglikha ng “credible defense posture”.

Ito ang sinabi ng kalihim sa isang ambush interview pagkatapos ng Christening and Commissioning Ceremony kahapon ng dalawang cyclone-class patrol vessel na donasyon ng Estados Unidos sa Philippine Navy.

Ayon sa kalihim, inatasan niya si AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. na magsagawa ng “re-horizoning” o bagong istratehiya sa AFP modernization, partikular sa modernization ng Philippine Navy.

Kailangan aniya ay hindi “piecemeal” ang pagkuha ng mga modernong kagamitan at interoperable ang lahat ng mga ito upang hindi “pakitang tao” lang ang modernisasyon.

Giit ng kalihim, dapat maiangat ang kakayahan ng AFP upang makatugon sa lahat ng uri ng banta, mapayapang mapangalagaan ang pambansang soberenya, at maprotektahan ang mga mangingisda sa 200 nautical mile exclusive economic zone ng bansa. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us