Nag-ikot ngayong araw ang ilang tauhan ng Department of Agriculture at ng Quezon City Market Development and Admin Department sa ilang pwesto ng bigasan sa Balintawak Market, QC
Ito ay para inspeksyunin kung patuloy na sumusunod pa rin sa EO 39 o sa price ceiling na regular-milled at well-milled rice ang mga rice retailer sa naturang palengke.
Marami namang pwesto ang may available na murang bigas dito sa Balintawak gaya na lang sa pwesto ni Kuya Enteng na may ibinebentang P45 kada kilo ng bigas.
Gayunman, limitado lamang sa hanggang dalawang kilo ang maaaring bilhin dito ng mga mamimili.
Samantala, mayroon ding isa pang nagbebenta ng murang bigas na galing naman sa Isabela ang suplay.
Ayon naman kay QC MDAD Operations Chief Col. Alex Alberto, nasa 90% ng mga palengke sa Quezon City ang nakakasunod sa EO 39.
Tuloy-tuloy din aniya ang pagkalap sa listahan ng mga apektadong retailers na bibigyan ng cash assistance. | ulat ni Merry Ann Bastasa