Nilinaw ni Commission on Higher Education o CHED Chairperson Prospero de Vera na hindi pa aalisin ang Pamantasan ng Lungsod ng Maynila o PLM sa mga eskuwelahan na pagkakalooban ng scholarship sa ilalim ng Unified Student Financial Assistance System for Tertiary Education o UniFAST.
Ang tugon ng opisyal ay matapos mausisa ni ACT Teachers party-list Rep. France Castro kung totoo ba ang napaulat na delisting ng PLM.
Aniya, nagpadala na ang CHED ng sulat kung saan nakasaad na dapat mag-comply ang Pamantasan sa ilang requirement para sa UniFAST.
Kabilang dito ang pagkakaroon ng doctorate degree ng university president—bagay na wala ang kasalukuyang tagapangulo ng PLM.
Ayon kay de Vera, tinukoy lamang ng CHED ang pagkukulang ng PLM at nabigyan naman ng tyansa na itama ang problema.
Sa ilalim ng UniFAST, dapat mayroong institutional recognition at certificate of program compliance o COPC ang local universities o colleges para maging kwalipikado
Sa kasalukuyan, 97 LUCs ang nakatalima at may “good standing,” habang 19 ang delisted.
Hindi naman bababa sa anim ang itinama ang pagkukulang kaya nakapasok muli sa Free Higher Education. | ulat ni Kathleen Jean Forbes