Nananatiling mataag ang bentahan ng asukal sa Pasig City Mega Market sa nakalipas na isang buwan.
Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas, kapansin-pansing bahagyang bumaba ang presyo ng kada kilo ng asukal subalit malayo pa rin sa dating presyo nito.
Kasalukuyang mabibili ang refined o puting asukal sa P87 kada kilo, ang segunda o washed sugar ay mabibili naman sa P82 kada kilo habang ang brown sugar naman ay mabibili sa P80 kada kilo.
Ayon sa mga tindero ng asukal, matumal pa sa ngayon ang bentahan dahil ang ilan ay bumibili lamang ng tig-1/4 o 1/2 depende sa kanilang budget.
Subalit inaasahan naman nilang sisigla muli ang bentahan ng asukal sa buwan ng Disyembre kung saan, maraming magtitinda ng mga kakanin tulad ng Puto Bumbong, Bibingka at mga minatamis gaya ng Leche Flan. | ulat ni Jaymark Dagala