MAKABAYAN bloc, grupo ng mangingisda, pinaiimbestigahan na rin ang nangyaring oil spill sa Mindoro

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naghain na rin ng resolusyon ang MAKABAYAN bloc upang paimbestigahan sa Kamara ang nangyaring oil spill sa Mindoro dulot ng lumubog na MT Princess Empress.

Sa inihaing House Resolution 869 kasama ang grupo ng mga mangingisda, inuudyukan ang House Committee on Natural Resources at House Committee on Aquaculture and Fisheries Resources na magdaos ng inquiry in aid of legislation para busisiin ang oil spill incident at malaman kung gaano kalawak ang epekto nito sa kalikasan, kabuhayan at local fish production ng bansa.

Una nang iniulat ng NDRRMC, na umabot na sa 31,497 ang bilang ng mga pamilya mula sa lalawigan ng MIMAROPA at Western Visayas ang naapektuhan ng malawakang oil spill.

Pumalo sa 13,654 na mga magsasaka at mangingisda ang apektado na ang mga kabuhayan.

Isa pa sa pinangangambahan ng mga mambabatas ay ang posibleng pagkasira ng Verde Island Passage na isa sa pinakamayamang marine biodiversity areas sa buong mundo,

Nais rin ng mga kongresista na habulin ng gobyerno at panagutin ang may-ari ng lumubog na barko. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us