Mga maliliit na rice retailer sa labas ng palengke sa San Juan City, umaasang mabibigyan na rin ng ayuda

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umaasa pa rin ang mga maliliit na rice retailer na nasa labas ng palengke sa San Juan City na makatatanggap din sila ng ayuda mula sa Pamahalaan

Ito’y kasunod na rin ng kanilang pagtalima sa inilabas na Executive Order No. 39 na nagtatakda ng price cap sa bigas o ang pagbebenta ng P41 at P45 kada kilo ng regular at well-milled rice.

Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas, may mga mini-grocery at sari-sari store ang nagbebenta ng P41 at P45 kada kilo ng regular at well-milled rice na anila’y pagsunod sa kautusan ng Pangulo.

Una nang umapela ang grupo ng mga rice retailer sa pamahalaan na mabigyan din sana ng ayuda ang mga nasa general merchandising upang makatulong sa kanila sa pagpapatupad ng price cap.

Pagtitiyak naman ng Department of Trade and Industry o DTI, makatatanggap ng ayuda ang lahat ng lehitimong rice retailer sa pamamagitan ng pagpunta sa kanilang grievance at help desk upang sumalalim sa verification. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us