Nakatanggap na ng financial aid ang micro rice retailers ng lungsod ng Pasay ngayong araw na naapektuhan ng Executive Order No. 39 na naglalagay ng price ceiling sa bigas.
56 rice retailers ang nabigyan ng tig-P15,000 na ayuda mula sa DSWD.
Ayon kay Pasay City Mayor Imelda “Emi” Calixto-Rubiano, dumaan sa mahigpit na screening ang mga benepisyaryo upang maiwasang maibigay sa mga hindi kwalipikadong rice retailers ang ipagkakaloob na ayuda ng national government.
Kabilang sa hinanap na requirements sa mga aplikante ng subsidiya ang pagkakaroon ng valid business permit, katibayan o inventory ng pagbili ng regular at well-milled rice, mayroong aktwal na bentahan ng bigas, at higit sa lahat pumasa sila sa validation ng Rice Monitoring Team na aktwal silang nagbebenta ng P41 at P45 kada kilong bigas. | ulat ni AJ Ignacio