P8-M halaga ng pananim na marijuana, sinira ng PDEA sa Kalinga

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sa patuloy na kampanya sa pagsugpo ng marijuana, sinira ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kasama ang iba’t ibang unit ng Philippine National Police (PNP), ang dalawang plantasyon ng marijuana sa Ngibat, Tinglayan, Kalinga na may humigit-kumulang na 40,000 piraso ng fully grown marijuana plants.

Ayon kay PDEA Director General Moro Vergilio Lazo, binunot at sinunog ng mga operating unit ang lahat ng plantasyon ng marijuana na itinanim sa isang lugar na may sukat na 4,000 square meters.

Pero, walang cultivator ang naaresto sa operasyon.

Samantala, dumalo sa pulong ng Sangguniang Panlalawigan ng Kalinga ang mga opisyal ng PDEA-CAR Kalinga Provincial Office, at iniulat ang sitwasyon ng kalakalan ng iligal na droga sa naturang lalawigan. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us