Las Piñas City LGU, naglabas ng traffic advisory hinggil sa gaganaping bar exam sa Muntinlupa City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Dahil sa malapit ang Lungsod ng Las Piñas sa pagdarausan ng bar exams sa Muntinlupa City, naglabas ng traffic advisory ang lokal na pamahalaan ng lungsod para sa inaasahang mabigat na daloy ng trapiko, sa darating na September 17 hinggil sa isasagawang 2023 Bar examinations.

Ayon sa Las Pinas City Traffic Bureau, ito ay upang maging aware ang mga motoristang babagtas sa Alabang Zapote Road sa Linggo, dahil sa pagdagsa ng mga kukuha ng pagsusulit sa 2023 bar examinations mula September 17, 20 at 24 dahil isa ang San Beda University sa Alabang sa pagdarausan ng exam.

Kaya naman abiso sa mga motorista, na mag-isip na ng alternatibong ruta upang makaiwas sa inaasahang bigat ng daloy ng trapiko. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us