Pulis na security sa kongreso, inaresto ng IMEG

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inaresto ng mga tauhan ng PNP Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) ang isang pulis na naka-assign sa kongreso, dahil sa kasong rape.

Kinilala ni IMEG Director Police Brig. General Warren de Leon ang suspek na si Patrolman Kemberly Cyd Cela na naka-assign bilang security police sa House of Representatives.

Siya ay naaresto nitong Martes ng gabi sa loob mismo ng House of Representatives matapos lumabas ang warrant of arrest nitong September 11 na inisyu ng Marikina RTC branch 193.

Ang suspek ay nahaharap sa 3 bilang ng rape.

Sa ngayon, nakaditene na ang suspek sa Quezon City Police District na maliban sa kriminal na kaso ay nahaharap din sa kasong administratibo. | ulat ni Leo Sarne

📷: IMEG

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us