Sunog, sumiklab sa isang pribadong eskwelahan sa Cubao, QC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Natupok ang isang pribadong eskwelahan sa 12th Ave., Barangay Socorro, Cubao, Quezon City ngayong umaga.

Sa inisyal na ulat ng BFP, mabilis na umakyat sa ikalawang alarma ang sunog sa Starland International School na sumiklab mag-aalas-9 ngayong umaga.

Wala namang naitalang nasaktan sa mga estudyante at faculty ng naturang eskwelahan dahil nailabas agad ang mga ito.

Bagamat may dalawang fire volunteer ang nagtamo ng minor injury habang rumeresponde sa sunog.

Naapula naman bandang 10:18 am ang sunog habang ang mga estudyante naman ay isa-isa nang sinusundo ng kanilang mga magulang.

Patuloy rin ang imbestigasyon sa pinagmulan ng sunog. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us