Special Investigation Task Group sa pagpatay sa abugado sa Bangued, Abra, binuo ng PNP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bumuo ng Special Investigation Task Group ang Philippine National Police (PNP) para tutukan ang kaso ng pamamaril at pagpatay kahapon kay Atty. Maria Sanita Liwlia Gonzales Alzate sa Bangued, Abra.

Ayon kay Abra Provincial Police Office (PPO) Director Police Col. Froiland Lopez, nagsagawa na sila ng case conference sa pagpaptuloy ng imbestigasyon sa kaso.

May nakuha aniya silang CCTV footage sa crime scene sa harap ng bahay ng biktima kung saan nakita ang dalawang suspek na sakay ng motor.

Tinutukoy sa ngayon ang pagkakakilanlan ng mga suspek, habang hindi pa malinaw ang motibo sa insidente.

Ipinaaabot naman ng Abra PNP ang kanilang pakikiramay sa pamilya ng biktima, kasabay ng pagkondena sa krimen. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us