PNP Chief, kumpiyansang mabilis na mareresolba ang kaso ng pagpatay sa isang lawyer sa Abra

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kumpiyansa si Philippine National Police (PNP) Chief, Police General Benjamin Acorda Jr., na mareresolba ng binuong Special Investigation Task Group (SITG) ang kaso ng pananambang at pagpatay sa isang lawyer sa Bangued, Abra.

Sa pulong balitaan sa Kampo Crame ngayong araw, sinabi ni Acorda na nakarating na sa kaniya ang insidente subalit ayaw muna niyang magbigay ng komento

Kumikilos na rin aniya ang binuong SITG, na kaniyang inatasan para tutukan at imbestigahan ang naturang kaso.

Dakong hapon kahapon, nang lapitan ng dalwang lalaking naka-motorsiklo ang puting kotse na sinasakyan ni Atty. Ma. Saniata Alzate, habang nakaparada sa tapat nang kaniyang bahay nang bigla itong pagbabarilin.

Kitang-kita sa CCTV footage ang paglapit ng isang lalaking sakay ng motorsiklo patungo sa driver side ng naturang sasakyan, kung saan makailang beses nitong pinaputukan ang biktima. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us