Muling umarangkada, ang pamamahagi ng cash assistance para sa mga maliliit na rice retailer sa Lungsod ng San Juan.
Ito ay ‘yung mga rice retailer na hindi nabigyan ng ayuda noong nakaraang Sabado.
Matatandaang kabilang ang Lungsod ng San Juan sa apat na lungsod sa Metro Manila na unang nabigyan ng ayuda ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), para sa mga maliliit na rice retailer na tumalima sa price cap sa bigas.
Nasa 19 na mga micro rice retailer ang nabigyan ng tig-P15,000 ayuda.
Kabilang si Jun Cristobal na 20 taon nang nagtitinda ng bigas, sa nakatanggap ng ayuda.
Aniya, gagamitin niya ang ayuda ng pamahalaan bilang pandagdag puhunan sa kaniyang negosyo.
Bukod naman sa tulong sa DSWD, nagbigay din ng karagdagang P5,000 at libreng upa sa buwan ng Setyembre ang San Juan LGU para sa mga maliliit na rice retailer sa lungsod. | ulat ni Diane Lear