Niyanig ng 4.2 magnitude na lindol ang Davao Occidental kaninang alas-8:44 ng gabi.
Ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS, naitala ang sentro ng lindol sa Balut Island sa bayan ng Sarangani na may lalim na 106 kilometro.
Wala naman naitalang damages at wala ring aasahang aftershocks matapos ang nasabing pagyanig. | ulat ni Sheila Lisondra | RP1 Davao
📸 DOST PHIVOLCS