Inanunsyo ng National Meat Inspection Service (NMIS) ang pagkakakumpiska ng 530.39 kilograms ng hot meat products sa isinagawang joint strike operation sa Clark City Angeles, Pampanga.
Ang mga nasamsam na imported meat products ay mga Peking duck at black chicken.
Ginawa ang pagsalakay sa tulong ng Department of Agriculture-Inspectorate and Enforcement, Clark Development Corporation at National Meat Inspection Service – Enforcement Special Task Force at RTOC III.
Ayon sa NMIS, ang ginawang hakbang ng strike team ay upang matiyak ang pagsunod sa food safety regulations at matukoy ang anumang potential presence ng banned products sa pamilihan.
Itinapon na sa isang rendering facility sa Sta. Maria, Bulacan ang hot meat products. | ulat ni Rey Ferrer