Bilang ng bar examinees ngayong taon, umabot sa higit 10,400 ayon sa SC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umabot sa 10,404 sa buong bansa ang bilang ng mga aspiring lawyer na kumuha ng pagsusulit para sa bar examinations ngayong taon ayon sa pinakahuling talang inilabas ng Supreme Court (SC) ngayong araw.

Sa bilang na iyan, pinakamarami ang kumuha ng Bar sa San Beda University sa Maynila na umabot sa 1,614, na sinundan ng University of the Philippines na may 1,066 examinees, at St. Louis University na may 988 bar takers.

Maliban sa tatlong eskwelahang nabanggit may 11 pang testing centers sa buong bansa kung saan kasalukuyang isinasagawa ang Bar 2023.

Inaasahan naman na ilalabas ng SC ang resulta ng Bar sa Disyembre bago ang araw ng Pasko. | ulat ni EJ Lazaro

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us