Nakatakdang magpulong ngayong darating na Lunes, September 18 ang mga opisyal ng Kamara, Department of Energy at oil companies sa bansa upang hanapan ng solusyon ang patuloy na pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo.
Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, ang dayalogo sa pagitan ng Kamara, DOE at oil companies ay upang tugunan ang mabigat na pasanin ngayon ng publiko dahil sa sunud-sunod na oil price hike.
“We will try to find a win-win solution for our people and, of course, those in the oil industry…we want to sit down with these oil companies and discuss ways or suggestions on how we can alleviate the hardships of our fellow countrymen due to the constant rise in petroleum prices, and find common ground in areas that are within our control,” ani Romualdez.
Kabilang sa imbitado sa consultative meeting ang miyembro House Committee on Energy, opisyal ng DOE sa pangunguna ni Undersecretary Sharon Garin, at mga kinatawan at opisyal ng ibat-ibang kompanya ng langis gaya ng Petron Corporation, Pilipinas Shell Petroleum Corp., Independent Philippine Petroleum Companies Association (IPPCA), Chevron Philippines, Inc., Philippine Institute of Petroleum (PIP), Flying V, at Total Philippines Corp.
Bukas naman ang House leader na repasuhin ang pagpapataw ng excise tax o value added tax sa langis at iba pang produktong petrolyo bilang hakbang para mapababa ang presyo ng bentahan nito
“On our part in the government, we can compromise … perhaps what we can initially offer is a possible review of excise tax or value-added tax on oil and petroleum products…one possibility to look at is suspending the collection of excise taxes or VAT on oil and petroleum products, depending on the Palace’s plan after hearing our report of the result of this meeting,” sabi pa niya.| ulat ni Kathleen Jean Forbes