40 PWDs sa Cavite, pinagkalooban ng wheelchairs ng Philippine Red Cross

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aabot sa 40 Persons With Disabilities o PWDs mula sa lalawigan ng Cavite ang nabigyan ng wheelchair sa pangunguna ng Philippine Red Cross.

Ito ang ikalawang batch ng mga wheelchair na ipinamimigay ng PRC katuwang ang Rotary Club at Wheelchair Foundation sa Metro Manila gayundin sa mga lalawigan ng Rizal, Cavite at Occidental Mindoro.

Ayon kay PRC Chairman at Chief Executive Officer Richard Gordon, malaking bagay para sa mga may kapansanan ang wheelchair lalo’t mabibigyan sila ng pag-asa na makapagpatuloy sa buhay.

Gaya na lamang anila ng Grade 6 student na si Tristan Saria na ipinanganak na may arthrogryposis na dahil sa kaniyang kundisyon ay hindi makatayo at hirap sa paglalakad.

Sa pamamagitan nito ani Gordon, tiyak na maraming pangarap ng mga PWD ang matutupad at mabubuhayan ng pag-asa upang makapagpatuloy sa kanilang buhay. | ulat ni Jaymark Dagala

📸: PRC

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us