QCPD, handang mag-deploy ng mga pulis bilang Board of Election inspectors sa BSKE

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bukod sa security measures, nakahanda rin ang Quezon City Police District na mag-augment ng mga tauhan bilang Special Board of Election Inspectors sa 2023 Barangay at SK Elections.

Ayon kay QCPD Acting District Dir. PBGen. Red Maranan, handa silang magsanay ng mga pulis na maaaring maging BEI sakaling may mga polling precincts ang magkulang ng mga guro.

Sa ngayon, mayroon aniyang 30 pulis-QC ang maaaring italaga ng QCPD sa araw ng halalan.

Samantala, tuloy-tuloy ang mahigpit na pagpapatupad ng seguridad ng QCPD habang papalapit ang eleksyon.

Kabilang dito ang threat assessment sa mga tumatakbong Barangay Chairperson, mga kagawad at SK officials.

Tuloy-tuloy rin ang checkpoint alinsunod na rin sa election gun ban kung saan nasa 27 armas na ang nakumpiska.

Una na ring iniulat ng QCPD na may tinatayang 6,000 law enforcers ang itatalaga sa Quezon City sa BSKE na kinabibilangan ng 3,800 QCPD personnel, mga tauhan ng DPOS at QC Traffic and Transport Dept., at Joint Task Force NCR. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us