Katuwang ang Barangay Kamuning, nilinis ng mga tauhan ng Quezon City Jail Male Dormitory ang Lagarian Creek, bilang pakikiisa sa inilunsad na Barangay at Kalinisan Day o (BarKaDa).
Ayon kay City Jail Warden, Jail Superintendent Michellle Ng Bonto, kabuuang 15 sako ng basura ang nakolekta sa creek.
Ang Lagarian creek ay nasa kahabaan ng Bernardo Compound na may mahigit 100 informal settler families ang naninirahan.
Kasabay nito, nanawagan si Supt. Bonto sa publiko ng pagtutulungan para sa mas panatilihing ligtas at malinis ang kapaligiran.
Samantala, naging bahagi din sa clean up drive activity ang mga jail personnel sa Manila Baywalk sa Roxas Boulevard, Malate Manila.
Nauna nang nanawagan si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos sa lahat ng 42,027 barangay at general public, na lumahok sa “Barangay at Kalinisan Day” (BarKaDa) sa buong bansa. | ulat ni Rey Ferrer