PDEA, sinunog ang nasa mahigit 3 tonelada ng ilegal na droga sa isang waste facility sa Trece Martires City, Cavite

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umabot sa halos apat na tonelada o 3.7 tons ng ilegal na droga ang sinunog ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang waste facility sa Trece Martires City sa lalawigan ng Cavite kahapon.

Ayon kay PDEA Director General Virgilio Lazo, ang naturang timbang ng ilegal na droga ay nagkakahalaga ng aabot sa 20 bilyong piso mula sa mga nasabat ng PDEA sa iba’t ibang anti-drug operation campaign ng pamahalaaan.

Dagdag pa ni Lazo na ito na ang isa sa pinakamalaking susunugin ng PDEA sa kanilang kasaysayan mula nang itinatag ang ahensya noong 2002.

Saad pa ni Lazo na hindi lang siya ang dapat mabigyan ng credit sa naturang achievement ng PDEA dahil malaki rin ang naging bahagi ng nakaraang administrasyon sa mga nasabat na ilegal na droga sa iba’t ibang bahagi ng bansa. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio

?: PDEA

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us