Mga tauhan ng CIDG na sangkot sa “Hulidap”, posibleng kasuhan ng Kidnap for Ransom

Facebook
Twitter
LinkedIn

Posibleng makasuhan ng kidnapping for ransom ang mga pulis ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) NCR na sangkot sa kwestyonableng raid sa Parañaque noong Marso 13.

Ayon kay PNP Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) Director Police Brig. Gen. Warren de Leon, ito’y dahil sa alegasyon na bago pakawalan ang mga Chinese na hinuli sa pagsusugal, ay nanghingi pa umano ng pera ang mga pulis.

Bukod dito, sinabi ni de Leon na marami pa silang nakikitang paglabag sa ginawang raid ng CIDG-NCR, katulad ng kakulangan ng pre-operations.

Patuloy aniya ang pangangalap ng IMEG ng ebidensya na makapagdidiin sa mga pulis at nasa proseso na rin sila ng pagkuha ng affidavit sa mga biktima.

Sa ngayon ay inihahanda na ang kasong robbery laban sa mga pulis dahil sa pagkuha ng mga ito ng mga mamahaling relo, bag, pera at alahas ng mga biktima, na personal na nagreklamo kay PNP Deputy Chief for Administration PLt. Gen. Rhodel Sermonia. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us