Mga nasagip na street dwellers sa QC, hinatid na sa iba’t ibang kanlungan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinatid na sa iba’t ibang bahay kanlungan ang ilang indibidwal at pamilya na nasagip sa mga lansangan sa lungsod Quezon kahapon.

Siniguro ng Quezon City government na malagay sa maayos na kalagayan ang mga street dweller na matagal nang nakatira kung saan-saan sa lansangan.

Ilan sa mga pinagdalhang kanlungan ay sa Jose Fabella Center, Bahay Silungan, Golden Reception and Action Center for the Elderly and other Special Cases (GRACES), at sa mga lokal na pamahalaan ng Manila at Caloocan.

Bago sila inilipat ay dumaan muna sila sa medical assessment at antigen testing. May nakalaan ding temporary shelters sa processing area para sila ay makapagpahinga, binigyan sila ng cash aid mula sa DSWD, at inirehistro sila sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Ikinatuwa naman ni DSWD Undersecretary Eduardo Punay ang pagiging aktibo ng lungsod sa pagkakaroon nito ng Task Force Sampaguita na may mandatong umalalay sa mga street dweller.

Ang lokal na pamahalaan ay nakipagtulungan sa Department of Social Welfare and Development, Commission on Human Rights at MMDA upang ilunsad ang Oplan Pag-abot – Reaching out to Families and Individuals in Street Situation (FISS). | ulat ni Rey Ferrer

📷: QC LGU

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us