Nagsagawa ng operasyon ang pinagsanib puwersa ng Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT) at Philippine Coast Guard (PCG) sa mga hindi awtorisadong sasakyan na nahuling dumadaan sa EDSA busway, sa bahagi ng Lungsod ng Makati.
Kung saan nasa 50 motorista ang natiketan ng I-ACT, sa Edsa bus carousel sa Magallanes MRT 3 station.
Isa sa mga dahilan ng mga motoristang nahuling dumadaan sa EDSA Busway ay dahil sa matinding traffic.
Ang mga violator ay pinagbabayad ng P1,000 at inoobligang dumalo ng seminar, at kumuha ng exam bago matubos ang kanilang lisensya.
Ayon sa law enforcer ng I-ACT, may katumbas na puntos ang traffic rules na nalalabag ng mga motorista batay sa Land Transportation Office (LTO) Demerit System sa ilalim ng Republic Act 10930.
Samantala, muling paalala ng I-ACT sa mga motorista na respetuhin ang tinalagang eksklusibong lane para sa mga mananakay ng bus sa EDSA Bus Carousel.
Babala ng otoridad, na patuloy nilang huhulihin ang mga sasakyan na hindi awtorisadong sasakyan. | ulat ni AJ Ignacio