Mahigit 200, arestado sa isang linggong anti-criminality ops ng QCPD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iniulat ni Quezon City Police District (QCPD) Director Police Brigadier General Red Maranan kay PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. na aabot sa 205 indibidwal ang naaresto sa isang linggong anti-criminality operations ng QCPD.

Sinabi ni Brig. Gen. Maranan na 48 sa mga ito ang mga drug suspek na nahuli sa 32 operasyon, kung saan narekober ang halos ₱1.9-na milyong pisong halaga ng iligal na droga.

Nasa 86 naman sa mga naaresto ang mga wanted na indibidwal kung saan 31 ang kabilang sa listahan ng “most wanted”.

Habang 71 naman ang naaresto sa 27 anti-illegal gambling operations.

Binati ni Brig. Gen. Maranan ang mga tauhan ng QCPD sa kanilang tagumpay laban sa kriminalidad sa lungsod.

Sinabi pa ni Maranan na patuloy na ipatutupad ng QCPD ang “three minute response time,” para sa mas ligtas na Quezon City. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us