DSWD, nakapaghatid ng ₱7.8-M ayuda sa mga apektado ng ITCZ sa Mindanao

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tuloy-tuloy pa rin ang pagbibigay tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga lalawigan sa Mindanao na naapektuhan ng mga pag-ulan at pagbahang dulot ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ) noong nakaraang linggo.

Sa ulat ng Disaster Response Operations Monitoring and Information Center (DROMIC), as of September 24, ay aabot na sa ₱7.8-million ang halaga ng humanitarian assistance ang naipaabot nito sa mga apektadong rehiyon.

Kabilang dito ang Region 9, 11, 12, at pati na ang BARMM.

Kabilang sa naihatid na ng DSWD field offices ang family food packs at non-food items lalo na sa mga inilikas na pamilya.

Sa pinakahuling tala ng DSWD, nasa 233 na pamilya pa o halos 1,000 indibidwal ang nananatili sa evacuation centers sa sampung evacuation centers. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us