Bagong Pilipinas Serbisyo Fair, ibababa ng pamahalaan sa 82 probinsya

Facebook
Twitter
LinkedIn

Asahan na ang pagbaba ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) Service Caravan sa lahat ng probinsya ng Pilipinas, kasunod nang naging matagumpay na launching nito kahapon, September 23, sa pangunguna mismo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Ito, ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Velicaria Garafil, ay alinsunod sa layunin ng pamahalaan na mailapit sa mga Pilipino ang serbisyo ng gobyerno.

Ang BPSF ay ang pinakamalaking service caravan ng pamahalaan na kinabibilangan ng major government services.

Ito ay ang Kadiwa ng Pangulo, Passport on Wheels, Driver’s License Registration, Enrollment sa TUPAD o GIP,
Legal counseling,
distribution ng farm inputs at machinery, Tulong Dunong Program, TESDA scholarships at program enrollment,
financial assistance programs,
SB Corp. services para sa MSMEs, educational assistance, LTO driver’s license renewal, NBI clearance application, Police clearance application, LTOPF renewal/application, PSA birth certificate application,
Pag-Ibig membership at housing loan,
SSS membership application,
GSIS UMID application,
Postal ID application,
National ID application,
PhilHealth consultation,
Public service training,
PRC renewal, PAO free legal services, at PhilHealth registration.

Una nang sinabi ni Pangulong Marcos na ang BPSF ay isa lamang sa mga inisyatibo ng pamahalaan sa pagbibigay pag-asa sa mga Pilipino, para sa bagong simula.

“Magkakahiwalay man ang ating mga isla, pinagbubuklod-buklod naman tayo ng isang diwa at isang pangarap: isang Bagong Pilipinas para sa Bagong Pilipino,” ani Pangulong Marcos.

Nitong Linggo, September 25, nasa 87,158 participants na ang naitala ng pamahalaan, na nakibahagi sa service caravan sa Laoag, Ilocos Norte. Higit 103,000 sa Nabua, Camarines Sur. Higit 57,000 sa Tolosa, Leyte, at 74,539 sa Monkayo, Davao de Oro. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us