Ilang barangay sa Navotas City, mawawalan ng suplay ng kuryente simula ngayong gabi

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinaalam ng Navotas Local Government sa mga residente nito na mawawalan ng suplay ng kuryente ang ilang lugar sa lungsod, ngayong gabi.

Mararanasan ang kawalan ng suplay ng kuryente sa pagitan ng alas-11 ng gabi, Setyembre 25 hanggang alas-4 ng madaling araw kinabukasan, Setyembre 26.

Sa abiso ng lokal na pamahalaan, may isasagawang pag-aayos ng mga poste at kawad ang Manila Electric Company (MERALCO) sa M. Naval St., Bgy. Bagumbayan North at Bagumbayan South.

Apektado dito ang bahagi ng M. Naval St. mula Taganahan St. hanggang C4; kabilang ang H. Monroy, Dr. C. Bauza, San Marcos, Estrella, P. Cadorniga at H. Ignacio St.

Kasama din ang Ever Supermarket-Bagumbayan at Filemon T. Lizan Senior High School sa Barangay Navotas West, Bagumbayan North at Bagumbayan South.

Maging ang bahagi ng C-4 mula Navotas Centennial Park hanggang DPWH Malabon-Navotas District Engineering Office ay apektado din. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us