DOTr at ilang ahensya ng pamahalaan, lumagda sa kasunduan para mapabilis ang implementasyon ng EDSA Greenways Project

Facebook
Twitter
LinkedIn

Lumagda sa kasunduan ang Department of Transportation (DOTr), ang publiko at pribadong sektor para mapabilis ang implementasyon ng EDSA Greenways Project.

Sa ceremonial signing, sinabi ni DOTr Secretary Jaime Bautista na nais nilang mapabilis ang naturang proyekto para sa kapakanan ng mga pedestrian.

Dagdag pa ng kalihim, na sa tulong ng EDSA Greenways pati na ang EDSA Busway at bike lanes ay maibabalik ang orihinal na karakter ng EDSA na pinakamabilis na daanan sa Metro Manila.

Sa ilalim naman ng kasunduan sa pagitan ng DOTr at Department of Labor and Employment (DOLE), tiniyak na magbibigay ng tulong pangkabuhayan ang DOLE sa mga residente na maaapektuhan ng proyekto.

Ang limang kilometrong EDSA Greenways Project ay isang elevated at covered green walkways, na layong mai-konekta ang mga istasyon ng MRT-3 at iba pang transportasyon sa EDSA at mapabuti ang transportation connectivity sa lugar. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us