Budget ng Marawi Compensation Board, hihilingin itaas sa P10-B – Mindanao Solon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Titiyakin ni Lanao Del Sur Rep. Zia Alonto Adiong na ipararating niya ang panawagan sa plenaryo na dagdagan ang budget ng Marawi Compensation Board (MCB).

Nakatakdang sumalang ang budget ng MCB bulas sa plenary debates.

Aniya, kanyang pinaghandaan ang gagawin niyang interpalasyon, sa katunayan nakipagpulong siya sa mga miyembro ng MCB isang linggo bago ang kanilang schedule.

Ayon sa mambabatas, bilang nangungunang boses at tagapagtaguyod ng Marawi, sisiguruduhin niyang maipanawagan ang dagdag na P10 bilyon na pondo upang agarang maipagkaloob ang nararapat na kompensasasyon sa mga biktima ng Marawi Siege.

Una nang ipinarating ni Cong. Zia sa Department of Budget and Management (DBM) at sa liderato ng Kamara ang panawagang itaas sa P10 billion ang budget mula sa nakalaang P1 bilyong proposed budget ng MCB.| ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us