Pinagkalooban ng Lokal na Pamahalaan ng San Juan ang mga senior citizen sa lungsod ng cash gift.
Ito ‘yung mga senior citizen na nagdiriwang ng kanilang 70, 80, at 90 kaarawan ngayong taon.
Pinangunahan ni San Juan City Mayor Francis Zamora at mga opisyal ng lungsod ang selebrasyon at pamamahagi ng cash gift sa San Juan City Hall.
Nakatanggap ng tig-P3,000 ang mga senior citizen na nagdiriwang ng kanilang 70 kaarawan; nasa P5,000 naman ang para sa mga nagdiriwang ng kanilang 80 kaarawan; at P8,000 para sa mga nagdiriwang ng kanilang 90 kaarawan.
Alinsunod ito sa ipinasang City Ordinance No. 81, series of 2022 ng lokal na pamahalaan, na layong palawakin ang mga benepisyo ng mga senior citizen na nakaabot sa nasabing edad.
Ayon sa San Juan LGU, ito ay bukod pa sa social pension na natatanggap ng mga senior citizen kada buwan sa lungsod. | ulat ni Diane Lear