Mga arestado sa paglabag sa gun ban, lagpas na sa 900

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umabot na sa 926 ang mga indibidwal na naaresto ng Philippine National Police (PNP) dahil sa paglabag sa nationwide gun ban kaugnay ng nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Police Colonel Jean Fajardo, mula sa nabanggit na bilang pinakamarami sa mga naaresto ay sibilyan na umabot sa 890; 22 naman ang Security Guard; 4 ang miyembro ng PNP; 4 ang tauhan ng AFP; 3 ang kabilang sa ibang law enforcement agency; at 2 ang elected government official.

Nakumpiska naman ng PNP ang 572 firearms; habang 1,120 baril ang nai-deposit sa police stations para sa safekeeping; at 880 naman ang isinuko sa pulisya.

Samantala, mayroon nang naitalang 44 election related incidents (ERI) ang PNP kung saan anim ang validated ERIs, anim ang suspected ERIs, at 32 ang validated non-ERIs. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us