Lungsod ng Maynila, tumanggap ng handheld ticketing devices mula sa MMDA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pormal na itinurn-over ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA sa Pamahalaang Lungsod ng Maynila ang mga handheld ticketing device pati na ang iba pang kagamitan para sa pagpapatupad ng Single Ticketing System.

Pinangunahan ni MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes ang pamamahagi kasama ang ilang opisyal ng ahensya na tinanggap naman ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan at ilang pang opisyal sa city hall.

Kabilang sa nai-turn over ng MMDA ang 30 handheld ticketing devices, server rack, UPS, work stations, printers, software, at 60 piraso ng SIM cards.

Nagpasalamat naman ang Manila LGU sa MMDA sa ipinamahaging kagamitan.

Target naman na maipatupad ang full implementation ng Single Ticketing System sa Metro Manila ngayong taon. | ulat ni Diane Lear

📷: MMDA

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us