Nanawagan sa mga awtoridad ang Philippine Statistics Authority (PSA) para sa agarang paghahatid ng hustisya sa napatay nitong statistician na si Namer Ariate.
Sa isang pahayag, nagpaabot ng pakikiramay ang PSA sa mga naulilang kaanak at mahal sa buhay ng kanilang empleyado.
Kinondena rin ng ahensya ang karumal-dumal na krimen na bumiktima sa kanilang kawani.
Hiling nito sa mga awtoridad na humahawak sa kaso na pabilisin ang usad ng imbestigasyon at panagutin ang nasa likod ng krimen.
Handa naman aniya ang PSA na makipagtulungan sa Pulisya para sa pagresolba sa kaso.
“The PSA will collaborate with the relevant authorities to assist them in their investigation for purposes of identifying the perpetrators and bringing them under our court of law and ensuring that such a devastating incident does not recur.”
Sa inisyal na ulat ng QCPD, sakay ng isang tricycle ang biktima nang harangin ito at pagbabarilin ng mga suspek na sakay ng isang motorsiklo sa IBP Road kahapon, September 27.
Naisugod pa si Ariate sa ospital subalit
idineklara rin itong dead on arrival. | ulat ni Merry Ann Bastasa