Philippine Red Cross, patuloy ang paghahatid ng tulong sa mga residente ng Albay na apektado ng aktibidad ng Bulkang Mayon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Walang patid ang pagbibigay ng tulong ng Philippine Red Cross (PRC) sa mga mga residente ng Albay na apektado ng patuloy na aktibidad ng Bulkang Mayon.

Ayon kay PRC Chairperson at CEO Richard Gordon, tuloy-tuloy ang paghahatid ng humanitarian assistance ng PRC sa lalawigan.

Ito’y tatlong buwan nang nakalilipas ng mag-alburoto ang Bulkang Mayon.

Sa ngayon, nakapagpamahagi na ang PRC ng 2.7 milyon litro ng maiinom na tubig; nasa 1,210 na pamilya ang nabigyan ng hygiene kits; 2,436 na pamilya ang nakatanggap ng sleeping kits; at 900 na pamilya ang nahatiran ng tinapay.

Nagtayo rin ang PRC ng apat na unit ng communal kitchens para sa mga pamilyang nasa evacuation centers.

Bukod dito ay nakapagbigay din ng hot meals at psychological first aid sa mga apektadong residente.

Umabot naman sa mahigit 2,000 volunteers ang idineploy ng PRC sa lalawigan. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us