Papel ng AFP sa pagtiyak ng mapayapang BSKE, ibinida ni Sec. Galvez

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ang Armed Forces of the Philippines ang frontliner sa pagtiyak ng mapayapang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Ito ang binigyang diin ni Presidential Adviser for Peace Reconciliation and Unity Secretary Carlito Galvez Jr. kasunod ng isinagawang AFP Peace Forum sa Camp Aguinaldo kahapon.

Ayon kay Sec. Galvez, ang mga Brigade Commander ang nakikipag-usap sa mga barangay official bago pa man isagawa ang halalan.

Ipinapaalala aniya ng mga Commander sa mga baranggay ang mga negatibong epekto kung magkakaroon ng karahasan sa halalan.

Ang AFP Peace forum ay inorganisa bilang bahagi ng paggunita ng National Peace Consciousness Month ngayong Setyembre. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us