10:15 ng umaga nang ideklarang ‘fire out’ ang sunog sa Barangay Canumay West sa Valenzuela City kung saan umabot sa ikatlong alarma ang sunog sa isang construction materials facility.
Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection sa nangyaring sunog kung saan halos gawa sa light material ang istrujture ng naturang kumpanya.
Umabot naman sa 22 BFP fire trucks kasama na ang mga fire volunteers ang rumesponde sa sunog.
Samantala, wala namang naitalang casualty sa mga trabahador at mga kawani ng BFP.
Sinuspinde na rin ang pasok ng mga estudyante sa Canumay West Elementary School dahil ilang metro lang ang lapit nito sa pinangyarihang sunog. | ulat ni AJ Ignacio